link ads

Tags: ,

sa kabilang buhay

Posted on 25 May 2009 by rhino188

Ang huling habilin ng isang matandang malapit nang mamatay sa kanyang 3 kaibigan:

Father Romy, Doctor Kepweng at Atty. Balatbat . . .

Nais ko sanang patunayan na maari kong dalhin sa kabilang buhay ang aking kaunting naipon na

kayamanan. Narito ang 3 sobre na may lamang pera na tig beinte mil at hinihiling ko sa inyo na

ang mga ito ay inyong isama sa aking hukay upang madala ko sa kabilang buhay.

Pagkasambit niyon ay nawalan ito ng buhay at umuwing luhaan ang 3 mag-kaibigan

bitbit ang tig-isang sobre na inihabilin ng pobreng matanda.

Pagkatapos ng libing ay nagusap ang  magkaibigan:

Father Romy:  Nais ko sanang ipagtapat sa inyo na binawasan ko ng 5 libo yung pera na

isinama ko sa hukay. Kailangang maipaayos natin ang sirang bubong ng simbahan.

Doctor Kepweng :  Nabawasan ko naman ng 10 libo yung pera para makabili ng mga

bagong gamit sa aking klinika.

Atty. Balatbat :   Mga peste kayo. Hindi pala kayo pwedeng pagkatiwalaan  – Buong-buo yung beinte

mil na nakasulat sa post dated check na inihulog ko sa hukay ng matanda.

Comments (0)

Tags: ,

tatlong mga pari

Posted on 25 May 2009 by rhino188

May 3 pari na magkumpare ang naupo at nagkwentuhan.

Unang Pari: Mga pare, may sikreto ako na kayo lang ang dapat makaalam.. Nabuntis ko si

Sister Emma at pinalaglag namin. Sana maunawaan ninyo ako sapagkat ako ay tao lamang at sa tukso’y nadarang.

Ikalawang Pari: May sikreto rin ako mga pare – Nalustay ko ang kinita ng simbahan noong

isang linggo at hindi ko alam kung paano ko pa mai-babalik ito.

Ikatlong Pari: Ako din may sikreto na dapat walang maka-alam.  TSISMOSO AKO

 

Comments (1)

You can follow our joke tweets tweet it too!

Advertise Here
Advertise Here