Isang araw sa eskwelahan, tinanong ng kanyang guro si Juan.
Guro: Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
Juan: Hindi po ako ang bumaril kay Jose Rizal.
Guro: Juan, di ako nagbibiro. Sino ang bumaril kay Jose Rizal?
Bata: Hindi po talaga ako, peksman.
Galit na galit ang guro kay Juan. Sinabihan nito na dalhin ang magulang bukas.
Kinabukasan……..
Guro: Ang anak nyo ay hindi masagot ang tanong ko. Tinatanong ko lang naman sa kanya kung sino ang bumaril kay Jose Rizal.
Tatay ni Juan: Ayyyyy mabait po ang anak ko. Inosente po siya. Hindi po siya talaga ang bumaril kay Jose Rizal.




(6 votes, average: 4.83 out of 5)





August 6th, 2010 at 10:11 pm
nakakatuwa inosente nga siya
Well-loved. Like or Dislike:
7
0