Isang siyano ang lumuwas ng siyudad upang ma-experience ang city life. Nag check in siya sa isang hotel at nang makapasok ng kwarto ay biglang nakaramdam ng pag-ebak. Hinanap niya sa lahat ng pintong nakita niya kung saan yung hukay na tulad nung gamit nila sa kanilang lugar. Ngunit ang tanging nakita niya ay isang puting balon na may malinaw na tubig. Uminom siya sa tubig nito at naglatag ng diyaryo at doon umebak. Naghanap siya ng pagtatapunan at nang makita niya yung swimming pool sa ibaba, binuksan niya ang bintana at iwinasiwas yung pinagdumihan papalabas ng bintana. Sa kasamaang palad, nabutas yung puwitan ng diyaryo. Tumalsik at dumikit ang kanyang ebak sa kisame ng kwarto, kaya dagli siyang tumawag ng boy na nakita niya sa pasilyo. Sabay sabi, “Bigyan kita ng limang daan pakilinis mo nga ng dumi ko sa kisame”. Sumagot naman ang boy, “Ang galing niyo boss, dodoblehin ko ang limang daan niyo kung ituturo niyo sa akin kung paano umebak sa kisame”.




(7 votes, average: 4.14 out of 5)





(4.73 out of 5)
December 16th, 2009 at 9:17 pm
wahahahhahahaha,….napatawa ako=))))
Like or Dislike comment?
1
1